dzme1530.ph

Tensyon sa Taiwan, hindi maiiwasang matalakay sa ASEAN Summit —PBBM

Inihayag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi maiiwasang matalakay ang tensyon sa Taiwan sa nagbukas na 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia.

Ayon sa Pangulo, malaking isyu para sa lahat ng ASEAN member states ang sigalot sa Taiwan.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na maaaring magkasundo ang ASEAN countries sa konsepto ng ASEAN centrality kaugnay ng mga isyu sa rehiyon, na isa sa mga pinaka-mahahalagang paksang matatalakay sa Summit.

Sa kabila nito, naniniwala ang chief executive na marami nang nagbago sa mga diskusyon sa mga nagdaang taon, at kailangan lamang ayusin o i-calibrate ang mga plano.

Matatandaang uminit ang tensyon sa Taiwan sa harap ng patuloy na paggigiit ng China na bahagi ito ng kanilang teritoryo alinsunod sa “One-China Policy”. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author