dzme1530.ph

Tennis star Alex Eala, umangat sa WTA ranking

Umangat ang pwesto ng Pinay tennis senstation na si Alex Eala sa Womens Tennis Association.

Mula sa dating ika-217 na ranggo, ngayon ay pang-195 na ito.

Inilabas ang nasabing WTA ranking noong Aug. 28 kung saan umabanse ng 22 spots ang 18-year-old na tennis star.

Noong unang linggo ng Agosto, nakuha ni Eala ang pang-apat na International Tennis Federation Title nang magwagi sa W25 Roehampton Tournament sa Great Britain at sinundan ng pagiging runner-up sa W25 Aldershot.

Matatandaang hindi sumabak si Eala sa US Open ngayong taon upang paghandaan ang laban sa Japan at sa Asian Games na gaganapin sa China sa susunod na buwan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author