dzme1530.ph

Temasek Foundation ng Singapore, nag-courtesy call kay PBBM

Nag-courtesy call sa Malacañang ang Temasek Foundation ng Singapore, Huwebes, Abril 13.

Sinalubong nina Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sina Temasek Foundation International chair Jennie Chua Kheng Yeng at iba pang kinatawan ng grupo.

Ibinahagi ng Foundation ang mga naging pakikipagpulong sa Dep’t of Science and Technology at Dep’t of Migrant Workers para sa posibleng pagsuporta sa coconut at bamboo industries, scholarship programs, at pagbibigay ng permanent residencies sa Filipino nurses.

Ang Temasek Foundation ay isang Non-profit philanthropic arm ng Singaporean State Sovereign Fund na Temasek Holdings, at itinataguyod nito ang mga programa at istratehiya para mapabuti ang pamumuhay sa mga komunidad sa Singapore.

Una na itong nakapulong ni Pang. Marcos noong Setyembre 2022 kung saan kanyang ipinaabot ang pasasalamat para sa naitulong nito sa COVID-19 response ng Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author