dzme1530.ph

Telcos, magde-deactivate ng unregistered SIM sa July 31

Inanunsyo ng National Telecommunications Commission (NTC) na sisimulan ng Telecommunications Companies (Telcos) ang pagde-deactivate ng mga hindi rehistradong SIM sa July 31, araw ng Lunes.

Sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations ng SIM Registration Act, mayroong limang araw ang mga subscriber, mula July 26 hanggang 30, para makahabol at maiwasan ang permanent deactivation ng kanilang SIM.

Idinagdag ng NTC na made-deactivate din pati ang access sa online banking at iba pang financial transaction o facilities kapag hindi rehistrado ang SIM.

Sa datos mula sa NTC, umabot sa 105.9 million ang kabuuang bilang ng mga nairehistrong sim na kumakatawan sa 63% ng active SIM subscribers sa bansa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author