dzme1530.ph

Telcos, hinikayat gawing user-friendly ang SIM registration

Hinimok ni Sen. Jinggoy Estrada ang mga telecommunication companies na magpatupad ng mga user friendly na proseso sa pagpaparehistro ng SIM.

Ito anya ay upang mahikayat ang lahat na magparehistro sa ilalim ng 90-days na extension sa SIM registration.

Sinabi ni Estrada na batay sa mga natanggap niyang impormasyon, nahihirapan ang mga subscriber sa proseso ng SIM registration.

Ang iba naman anya ay nagrereklamo sa kawalan ng internet connection o pagiging inaccessible ng registration sites na nagiging balakid sa kanilang pagrehistro

Sinabi ni Estrada na kahit anong information dissemination ay hindi uubra kung ang mga mobile carrier ay hindi sosolusyunan ang hinaing ng publiko.

Sa sandali anyang matugunan ito, makakamit sa susunod na 90 days ang 100% target registration.

Binigyang diin pa ng senador ang layunin ng SIM registration law ay masugpo ang mga krimen na gumagamit ng SMS technology at matulungan ang law enforcers na mahuli ang mga krininal na ito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author