Sa gitna ng pagdiriwang ng World Youth Skills Day ngayong araw na ito, isinusulong ni Sen. Win Gatchalian ang mga Technical and Vocational Education and Training (TVET) programs na may mas mataas na lebel ng sertipikasyon.
Batay sa datos ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong nakaraang Mayo 23 at sa pagsusuri ng tanggapan ng senador, wala pang 1% o 31 lamang sa mga TESDA-accredited TVET programs ang nagbibigay ng National Certificate (NC) Level IV at 3.7% o 548 lamang ang mga TVET diploma programs.
Karamihan anya sa mga TVET trainees ay dumaan sa entry level skills sa pamamagitan ng National Certificate I at National Certificate II habang kaunti lamang ang dumaraan sa NC III, NC IV, at sa mga mas matataas na lebel na nakatutuok sa mas komplikadong skills na hinahanap ng mga kumpanya.
Iginiit din ni Gatchalian ang pangangailangan sa mga enterprise-based TVET programs.
Batay sa six-year average ng enrollment sa mga TVET programs mula 2014 hanggang 2020, 4% lamang ang mga nasa enterprise-based programs, 50% ang mga nasa community-based programs, at 46% ang mga nasa institution-based programs. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News