Muling itinatag ng Department of transportation ang Technical Working Group na magbabantay at mag-aaral sa Motorcycle taxis.
Inilabas ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang Department Order No. 2022-2021 na nagreconstitute sa Technical Working Group, at bibigyan ito ng kapangyarihang repasuhin at magtakda ng guidelines at regulations sa pilot implementation ng motorcycle taxis.
Ang TWG ay bubuuin ng DOTR Assistant Secretary at Chief ng Land Transportation Office Bilang Chairman, Board Member ng Land Transportation Franchising Regulatory Board bilang Vice Chairman, at mga miyembro mula sa Interagency Council For Traffic, Office for Transportation Cooperatives, LTO Law Enforcement Staff, LTFRB Technical Division, at DOTr Road Transport and Infrastructure Office.
Magiging bahagi rin ng TWG ang mga kinatawan ng Metropolitan Manila Development Authority, at Committees On Transportation ng Senado at Kamara.
Sinabi ni Bautista na habang wala pang batas na magpapahintulot sa pag ooperate ng motorcycle taxis, kailangang magkaroon ng body na magbabantay sa pilot implementation nito, at mahalaga rin umanong tiyaking may access ang mga commuter sa abot-kaya, ligtas, at mabilis na uri ng pampublikong transportasyon, kasabay ng pagbibigay ng kabuhayan sa motorcycle taxi riders.