Hindi sumailalim sa pagsusuri ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga equipment na binili ng bansa sa China para sa pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon kay DICT Asst. Secretary Renato Paraiso, 2021 nang ma-expire ang agreement sa pagitan ng Department of Science and Technology (DOST), Department of Budget and Management (DBM) at National Economic and Development Authority (NEDA), sa kasunduan, inaatasang suriin ang mga kagamitan na binibili ng gobyerno.
Paliwanag naman ni DICT Usec. David Almirol, kakulangan sa pondo at tauhan ang dahilan kung bakit wala silang kakayahang mag-inspeksiyon.
Samantala, iginiit ni Sen. Raffy Tulfo na dapat walang technology equipment na binibili ang bansa sa Tsina at kung mayroon man ay dapat nang ibalik ito.
Una nang itinanggi ng NGCP na banta sa national security ng Pilipinas ang 40% na pagmamay-ari sa kanila ng State Grid of China.