dzme1530.ph

Teaching supply allowance ng mga guro, isinusulong sa Senado

Isinusulong ngayon sa senado ang isang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na allowance sa lahat ng pampublikong guro pa ipambili ng kanilang mga gamit sa pagtuturo. 

Ayon sa Senate Bill no., 1964 o ang Kabalikat sa Pagtuturo Act na nakabinbin ngayon sa ikalawang pagbasa, layunin nito na tulungan ang public school teachers na maghatid ng dekalidad na edukasyon sa kanilang mag-aaral. 

Kapag naipasa, sa ilalim ng batas ay bibigyan ang bawat guro ng teaching supplies allowance na halagang P7,500 para sa school year 2023-2024; at P10,000 kada guro sa school year 2024-2025 na tumaas nang malaki kumpara sa kasalukuyang P5,000 kada taon. 

Gagamitin nila ito upang bumili ng kagamitan at materyales sa pagtuturo at implementasyon o pagsasagawa ng iba’t-ibang learning delivery modalities. 

About The Author