Inactivate na ng gobyerno ang Task Force on Energy Resiliency upang maihanda ang suplay ng kuryente sa pagtama ng pinaka-matinding bugso ng El Niño sa susunod na taon.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Defense Sec. Gibo Teodoro na nagsasagawa na ng regular monitoring ang task force kaugnay ng matinding tagtuyot.
Kabilang dito ang pagtitiyak ng backup, standby, at emergency power systems sa mga ospital, at sa mahahalagang ahensya.
Sinabi rin ni Teodoro na mayroong 28 power projects at tatlong battery energy storage systems ang nakatakda nang mag-operate sa 1st quarter ng 2024.
Binubuo na rin ang mga hakbang sa pagbabawas ng consumption ng enerhiya, habang sa lokal na lebel ay pangungunahan ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t ang information campaign kaugnay ng peligro ng grass fires at pagsabit ng mga saranggola sa mga linya ng kuryente. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News