dzme1530.ph

Task Force El Niño, inutusang bumuo ng El Niño online platform

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbuo ng El Niño online platform bilang bahagi ng pinaigting na aksyon laban sa epekto ng El Niño o matinding tagtuyot.

Sa Executive Order no. 53, inatasan ang ni-reactivate na Task Force El Niño na makipagtulungan sa Dep’t of Information and Communications Technology sa pagtatatag ng online platform na magsisilbing centralized database para sa mga datos at impormasyon kaugnay ng El Niño tulad ng interactive maps at visualizations, at data-driven plans at programs.

Magsisilbi rin itong suporta sa pagbuo ng mga desisyon ng gobyerno, kaakibat ng pagtataguyod ng public awareness at pagpapaunawa sa mga Pilipino kaugnay ng el niño at ang mga epekto nito.

Samantala, binibigyan din ng awtoridad ang task force na humingi ng tulong sa iba pang ahensya o entities sa pagsasakatuparan sa kanilang tungkulin. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author