Naniniwala si Senior Economist Bernardo Villegas ng University of Asia and the Pacific na makatutulong ang pagbabalik ng in-person classes sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Villegas, nasa 22.9 million na mag-aaral ang nagbalik-eskwela noong August 29 at malaki ang posibilidad na mag-ambag ito sa pag-abot ng target na 6% economic growth ngayong taon.
Sa katunayan, isa aniya sa pinaka-dahilan ng pagbagal ng ekonomiya noong second quarter ay ang mababang kontribusyon sa hanay ng transportasyon, subalit posible itong matugunan ng face-to-face classes.
Bukod dito, sinabi ni Villegas na maaari ring makatulong ang consumer spending, posibleng pagtaas ng remittances sa darating na holiday season, at inaasahang pagdami ng bilang ng mga turista sa bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho