Malapit nang makamit ang target na 100-M maire-rehistrong SIM numbers sa bansa, sa pagpapatuloy ng extended mandatory SIM Registration.
Ayon sa Dep’t of Information and Communications Technology, hanggang noong May 16, ay umabot na sa 96.1-M SIM numbers ang nai-rehistro.
Pinaka-marami pa rin ang SIM Registrants sa smart na pumalo na sa 45.4 million.
Sumunod ang Globe na may 44.2 million, at 6.4 million sa DITO telco.
Hinihikayat ang publiko na magpa-rehistro na ng SIM bago matapos ang extended deadline sa July 25, 2023.
Patuloy ding pinag-iingat ang SIM users laban sa mga naglipanang scam. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News