dzme1530.ph

Tapyas-presyo sa produktong petrolyo, lumarga na

Umarangkada na ngayong araw ang ipinatupad na mahigit ₱1 rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Clean fuel at Caltex ang price adjustment, kung saan mayroong tapyas na ₱1.50 ang kada litro ng gasolina at ₱1.30 centavos sa kada litro ng diesel

Habang mababawasan naman ng ₱1.40 centavos ang kada litro ng kerosene.

Ganitong galaw din ang ipinatupad na bawas-presyo ng Petro Gazz, Jetti Petroleum, Phoenix Petroleum at Seaoil kaninang alas-6 ng umaga.

Ito na ang ikalawang linggo na bumaba ang presyo ng nabanggit na oil products sa bansa.

About The Author