Inaasahang magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, May 9.
Sa pagtaya, aabot sa P2.20 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang bababa naman sa P2.70/ litro ang presyo ng diesel.
Maaari namang matapyasan ng P2.55/ litro ng kerosene.
Nabatid na ito na ang ika-3 na sunod na linggong may tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo sa bansa.