Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Customs ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng smuggled na spiderling, sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay NAIA Customs District Collector Atty. Yasmin O. Mapa nadiskubre ang laman ng parcel matapos makita ang kahina hinalang larawan sa primary x-ray scanning kung saan natagpuan sa physical examination ang (84) na buhay na spiderling.
Ang parcel, ay nagmula sa Poland, kung saan idineklara bilang “origami” na mga produkto at ipinadala sa isang address sa Biñan, Laguna.
Paliwanag ni Mapa ang tangkang pagpuslit ng mga buhay na spiderling ay direktang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Wildlife Resources Conservation and Protection Act and Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Alinsunod sa mandato ng BOC-NAIA na mapanatili ang pagbabantay at dedikasyon nito sa pagprotekta sa border ng bansa laban sa lahat ng uri ng smuggling, kabilang ang mga wildlife resources.