dzme1530.ph

Tanggapang magtitiyak sa pagsasakatuparan ng investment pledges sa bansa, itinatag ng Pangulo sa pamamagitan ng EO

Itinatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) sa ilalim ng Office of the President.

Sa Executive Order no. 49, nakasaad na ang OSAPIEA ang aalalay sa Pangulo sa pagbibigay ng mga napapanahon at mahahalagang mga istratehiya sa ekonomiya at mga isyu tulad ng inflation, food security, at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ito rin ang magtitiyak na naisasakatuparan ang investment pledges na nalilikom ng administrasyon.

Ang OSAPIEA ay pamumunuan ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go, na magkakaroon ng ranggong Secretary.

Bubuuin din sa ilalim nito ang Economic Development Group na pamumunuan ng Investment and Economic Affairs Secretary, at mga kalihim ng NEDA at DOF bilang Vice Chairpersons. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author