Ang sodium ay isa sa mahahalagang mineral para maging maayos ang paggana ng katawan. Ito ang responsable sa pag-regulate ng maayos na presyon ng dugo at pagmamantina ng dami nito.
Tumutulong din ito sa pagpapabuti ng pagpapadala ng signals sa pagitan ng mga nerves at mga kalamnan.
Natural na nakukuha ang sodium sa maraming pagkain, subalit pinaka-karaniwang pinagmumulan nito ay ang asin.
Karaniwan din itong makukuha sa maraming pampalasa, mga de lata, mga processed food, at mga pagkaing instant.
Ang mga kondisyon naman na kaakibat ng sobrang pagkonsumo ng sodium ay altapresyon, atake sa puso, stroke at sakit sa bato. —sa panulat ni Lea Soriano