Ang prostate enlargement o Benign Prostatic Hyperplasia (BPH) ay ang paglaki ng prostate gland sa mga kalalakihan.
Ang paglaki ng prostate ay maaring makaapekto sa pag-ihi sa iba’t ibang paraan, gaya ng masakit at madalas na pag-ihi, hirap magpigil at pagkakaroon ng dugo sa ihi, paggising sa gabi para umihi, at mahinang pag-agos ng ihi.
Bukod sa pagtanda, hindi pa natutukoy ang mismong sanhi ng BPH. Mayroong mga pag-aaral na nagsasabing may kinalaman ito sa hormones.
Upang maiwasan ang paglaki ng prostate, iwasan ang pag-inom bago matulog, bawasan ang pag-inom ng kape at alkohol lalo na pagkatapos kumain ng hapunan, sikaping umihi nang regular (tuwing apat o anim na oras) upang makasanayan ng pantog, huwag hintaying mapuno ang pantog bago ilabas ang ihi, limitahan ang pag-inom ng decongestant o antihistamine dahil mas nakaaapekto ito sa paglabas ng ihi, at magkaroon ng sapat na ehersisyo. —sa panulat ni Lea Soriano