Umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa publiko na makiisa at tumulong sa tamang waste segregation o paghihiwalay ng basura.
Sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 ang tamang waste segregation at ang pagreresiklo ng basura ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan kundi ng bawat isa.
Ang panawagan ng MMDA ay bilang isang hakbang sa tamang paghihiwalay ng basura para mabawasan ang mga pagbaha sa Metro Manila.
Puspusan din ang declogging operations ng ahensiya sa mga drainage upang tanggalin ang mga bumabarang basura sa mga daluyan ng tubig na naging sanhi ng mga pagbaha sa Metro Manila. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News