dzme1530.ph

TAMANG NUTRISYON SA PAGKAIN, DAPAT IPAKITA SA FOOD MARKETING AT LABELING

Loading

 Iginiit ng Health Philippines Alliance na dahil sa patuloy na paglala ng kaso ng obesity at iba pang noncommunicable diseases sa bansa, dapat nang imandato ang paglalagay ng label sa bawat pagkain.

 

Iginiit ng grupo na napapanahon nang ipasa ang Healthy Marketing and Food Labelling Bill.

 

Sa ilalim ng panukala, o-obligahing maglagay ang mga kumpanya ng black, octagonal warning labels sa mga pagkain at inumin na lalampas sa recommended levels ng sugar, sodium, at saturated fats.

 

Ang “black label” ay magsisilbing direktang babala sa mga mamimili tungkol sa banta sa kalusugan ng produktong kanilang bibilhin.

 

Aniya, ang labeling ay magpapabuti sa kalusugan at magpapagaan ng gastusin sa healthcare system.

 

Sa pamamagitan ng mahigpit na regulasyon, inaasahang mas magiging maingat ang mga Pilipino sa pagpili ng kanilang kinakain. 

About The Author