Ipinag-utos ng Taliban Authorities ang pagsasara ng mga Salon sa Afghanistan sa loob ng isang buwan.
Dahil dito, mapipilitang magsara ang libo-ibong mga negosyo na pinatatakbo ng mga kababaihan, na karaniwang pinagkukunan nila ng kita para sa kanilang pamilya.
Sa pamamagitan ng kautusan ay tinanggal din ng Taliban ang isa sa kakaunting oportunidad ng mga kababaihan na makipag-socialize.
Mula nang makabalik sa kapangyarihan noong August 2021 ay pinagbawalan ng Taliban Government ang mga babae na mag-aral sa high schools at universities, gayundin sa pagtungo sa mga parke, pasyalan at gyms, at inatasang balutin ng kasuotan ang kanilang sarili kapag lalabas. —sa panulat ni Lea Soriano