Arestado ang tatlong mga puganteng dayuhan sa magkahiwalay na operasyon ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration sa Metro Manila at Pampanga.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga dayuhan ay nakakulong ngayon sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportasyon.
Sinabi ng FSU ang mga naarestong dayuhan ay mula sa China, Australia, South Korea, na may mga kasong kidnapping at illegal detention, panghaharas at pagkakasangkot sa telecommunications fraud.
Ayon kay Tansinco sa sandaling makuha na ang mga kinakailangang clearance para sa kanilang pag-alis, tuloy na ang pagpapatapon ng mga ito pabalik sa kanilang bansa.
Aniya nasa blacklist na rin ito ng Immigration upang hindi na muling makapasok sa Pilipinas. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News