DZME1530

SEMANA SANTA

Kilos-protesta isinagawa ng ilang militanteng grupo ngayong Lunes Santo

Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang mga militanteng grupo at religious group sa Lungsod ng Maynila. Ito’y para ipakita sa administrasyon Marcos ang kasalukuyang sitwasyon ng mga mahihirap na Pilipino. Sa ikinakasa nilang Kalbaryo Caravan at Indignation rally, isinagawa ng mga militanteng grupo ang sarili nilang bersyon ng Stations of the Cross sa ilang tanggapan ng …

Kilos-protesta isinagawa ng ilang militanteng grupo ngayong Lunes Santo Read More »

Maayos na kondisyon ng mga tsuper at PUVs ngayong Semana Santa, tiniyak

Tiniyak ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na makapagbibigay sila ng sapat na bilang ng mga sasakyan para sa mga magsisi-uwinsg pasahero ngayong Semana Santa. Ayon sa LTOP, sumailalaim sa mga kinakailangang pagsusuri ang mga ilalargang Public Utility Vehicle (PUV) at mga driver upang masigurong nasa maayos kondisyon ang mga ito. Ayon …

Maayos na kondisyon ng mga tsuper at PUVs ngayong Semana Santa, tiniyak Read More »

Operasyon ng PNR mula Abr. 6 hanggang Abr. 9, suspendido

Suspendido ng apat na araw ang operasyon ng Philippine National Railway (PNR) bilang pakikiisa sa paggunita sa Semana Santa. Ayon sa pamunuan ng PNR, ikakasa ang tigil-operasyon mula Huwebes Santo, Abril 6, hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 9, kung saan sasamantalahin anila ang pagkukumpuni sa mga tren at riles sa mga istasyon. Magbabalik ang …

Operasyon ng PNR mula Abr. 6 hanggang Abr. 9, suspendido Read More »

77K pulis, ipakakalat sa iba’t-ibang lokasyon; kaligtasan ng mga biyahero ngayong Semana Santa, tiniyak

Magpapakalat ng mahigit 77K pulis ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng programa ng Public Safety Plan sa tatlong buwang “Summer Vacation Oplan (SumVac). Ayon kay PNP chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr., maglalatag ang PNP ng mga Police Assistance Desks sa para mapabilis ang pag-responde sa pangangailangan ng publiko. Ang Oplan …

77K pulis, ipakakalat sa iba’t-ibang lokasyon; kaligtasan ng mga biyahero ngayong Semana Santa, tiniyak Read More »

140K pasahero, inaasahang daragsa sa NAIA sa Holy week

Tinatayang 140,000 biyahero ang dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa darating na Holy Week. Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Sr. Assistant General Manager Bryan Co, ito ang kauna-unahang Semana Santa na kapwa bukas ang domestic at foreign travel ng Pilipinas kung kaya’t inaasahan nilang bubuhos ang mga turista sa bansa. Kasunod …

140K pasahero, inaasahang daragsa sa NAIA sa Holy week Read More »

Operasyon ng MRT-3 at LRT-2, suspendido simula April 6 hanggang April 9

Suspendido ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) 3 simula April 6, Huwebes Santo hanggang April 9, linggo ng pagkabuhay, sa paggunita sa Semana Santa. Sa Advisory ng Department of Transportation, magbabalik ang normal na operasyon sa MRT 3 sa April 10, araw ng Lunes. Inanunsyo naman ng Light Rail Transit Authority na suspendido rin …

Operasyon ng MRT-3 at LRT-2, suspendido simula April 6 hanggang April 9 Read More »