Mahigit 1.2M rekord ng mahahalagang impormasyon ng empleyado, aplikante ng PNP, nalagay sa panganib
Aabot sa 1,279,437 milyong rekord ng empleyado at aplikante ng Philippine National Police (PNP) ang nakompromiso matapos ang massive data hack ayon sa inilabas na ulat ng cybersecurity research company na Vpnmentor nitong Martes. Sa report, kabilang sa mga nakompromisong dokumento ang birth certificates, transcript of records, diplomas, pasaporte, at id cards ng mga pulis. […]