Asahan na ang P0.64 kada kilowatt hour (kwh) na taas-singil sa kuryente ng Meralco ngayong Hunyo na posibleng tumagal hanggang sa mga susunod na buwan.
Ayon sa Meralco, ito ay dahil umabot sa P0.48 centavos per kilo-watt hour ang itinaas na halaga ng generation charge, tumaas na transmission charges, feed-in tariff allowance, at taxes o buwis.
Upang mapagaan ang pasanin ng Meralco consumers, kinailangan anilang ipatupad ang staggered collection ng generation cost sa tatlong buwan, na magsisimula ngayong Hunyo at ang natitirang halaga ay maaring singilin mula hulyo hanggang setyembre ng taon.
Dahil sa taas-singil, magkakaroon ng dagdag P128 sa total electricity bill ng residential customers na kumukonsumo ng 200 killowatt-hour, habang P320 naman sa mga kumo-konsumo ng 500 killowatt-hour kada buwan.