dzme1530.ph

Taas-singil sa kuryente ngayong buwan, asahan na!

Magpapatupad ng dagdag- singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan.

Ayon sa MERALCO, P0.42 kada kilowatt hour ang itataas sa presyo ng kuryente ngayong Oktubre.

Katumbas ito ng P84 dagdag kung kumokonsumo ng 200 per kilowatt hour kada buwan.

Madaragdagan naman ng P126 ang mga nakakakonsumo ng 300 per kilowatt hour, P168 sa 400 per kilowatt hour at P210 sa 500 per kilowatt hour.

Paliwanag ng MERALCO, ito’y bunsod ng pagtaas ng halaga ng kuryente sa spot market at pagmahal ng generation charge maging ang transmission at general charges.

About The Author