dzme1530.ph

Taas-sahod para sa mga guro at health workers, ipinanawagan!

Dapat maitaas pa ang sahod ng mga nurse at guro sa Pilipinas.

Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), kinakailangang magpakita ng pagmamahal ng Pang. Ferdinand Marcos sa mga health workers sa bansa sa pamamagitan ng dagdag-sahod.

Inihihirit ng grupo sa punong ehekutibo na pag-aralang itaas sa P33,000 ang entry salary ng mga medical workers at palakasin o i-prayoridad ang matalinong pagtugon sa health situation ng bansa.

Sa panig naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), bagaman nadagdagan ang budget ng Dep’t of Education, sa intelligence funds ng Bise Presidente at Education Sec. Sara Duterte lamang umano ito napunta.

Daing ng grupo, alisin na sa puwesto ang mga corrupt na opisyal ng gobyerno at oras na upang ibalik sa bayan ang nakaw na yaman.

About The Author