dzme1530.ph

Taas-presyo sa produktong petrolyo, umarangkada na

Epektibo na ngayong araw ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ng ilang kumpaniya ng langis.

Sa inilabas na anunsiyo ng oil companies, P0.70 ang itinaas sa kada litro ng diesel habang P0.30 per liter ang dagdag-presyo sa gasolina.

Nasa P0.80 naman ang idinagdag sa kada litro ng kerosene o gaas.

Ito na ang ika-8 sunod na linggo na nagpatupad ng taas-presyo sa diesel at kerosene habang ika-7 linggong oil price hike naman sa gasolina.

 

 

About The Author