Muling magpapatupad ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, September 12.
Batay sa oil industry sources, posibleng magkaroon price hike na P0.20 hanggang P0.60 per liter ang diesel habang nasa P0.10 hanggang P0.50 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.
Una nang sinabi ng Dep’t of Energy na ang naturang oil price adjustment ay bunsod ng inaasahang paglakas ng demand sa langis sa kasagsagan ng peak season kasabay ng bawas-produksyon ng Saudi Arabia at Russia. —sa panulat ni Joana Luna