Sa ikalawang sunod na buwan, tumaas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng hanggang P6.65 per kilogram, epektibo ngayong unang araw ng Setyembre.
Sa abiso ng Petron, nadagdagan ng P73.15 ang presyo ng kanilang 11-kilogram LPG cylinder.
Tumaas din ng P3.70 ang kada litro ng kanilang AutoLPG.
Ayon sa oil company, ang panibagong dagdag-presyo ay repleksyon ng international contract price ng LPG para sa buwan ng Setyembre.
Sa datos ng Department of Energy, naglalaro ang presyo ng cooking gas sa Metro Manila mula P718 hanggang P935 kada tangke. —sa panulat ni Lea Soriano