dzme1530.ph

Taas-presyo sa LPG asahan ngayong pebrero

Inabisuhan ng LPG Marketers Association (LPGMA) ang publiko sa naka-ambang taas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas ngayong Pebrero.

Sinabi ni LPGMA President Arnel Ty na wala pang estimate na presyo para sa susunod na buwan subalit inaasahan ang Price Hike bunsod ng pagbugso ng demand mula sa China, kasabay ng pagbangon ng ekonomiya nito sa kabila ng lumulobong kaso ng COVID-19.

Isiniwalat din ni Ty na sinabihan sila ng mga suppliers na made-delay ang shipments ng dalawa hanggang tatlong linggo dahil sa pagsipa ng demand subalit manageable pa naman aniya ang sitwasyon.

About The Author