dzme1530.ph

Taas-presyo sa ilang produktong petrolyo, humabol sa pagtatapos ng Nobyembre

Humabol sa pagtatapos ng Nobyembre ang taas-presyo sa ilang produktong petrolyo.

Ngayong Martes ay nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng karagdagang P0.30 sa kada litro ng diesel.

P0.65 naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene o gaas habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Iniugnay ang price adjustment sa nabawasang produksyon ng OPEC plus at sa lingguhang pagtaas sa us crude inventories.—sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author