dzme1530.ph

Taas-presyo ng produktong petrolyo, umarangkada na!

Epektibo na ngayong araw ang dagdag-presyo ng produktong petrolyo ng ilang kumpaniya ng langis.

Batay sa anunisyo ng oil industry players, aabot sa P1.35 centavos kada litro ang taas-presyo sa gasoline.

Nasa P0.45 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.35 naman ang patong sa presyo sa kada litro ng kerosene.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Caltex ang price adjustment na sinundan ng iba pang kumpaniya ng langis kaninang alas-6 ng umaga. 

About The Author