Epektibo na ngayong araw ang dagdag-pasahe sa LRT-1 at LRT-2.
Mula sa P12 hanggang P29 tataas sa P14 hanggang P35 ang pasahe ng mga gumagamit ng stored value cards.
Ang stored-value cards o beep cards ay dapat may minimum na load na P13.29 mula sa dating P11 sa LRT-1.
Para sa single-journey tickets sa LRT 1 at 2, ang minimum fare ay magiging P15 na habang ang maximum fare ay itinaas sa P35.
Ang pasahe sa LRT 1 mula Baclaran hanggang Roosevelt ay P35 gamit ang single-journey ticket o beep card, habang ang end-to-end ride sa LRT 2 mula Recto hanggang Antipolo ay P33 gamit ang beep card at P35 naman sa single-journey ticket.
Sinabi ng Department of Transportation, na mayroon pa ring subsidiya na P148 ang pamahalaan kada pasahero.
Ayon naman sa Light Rail Manila Corporation mas mababa pa nga ang dagdag-pasahe kumpara sa kanilang hiniling kasabay nang pagpapaliwanag na makatutulong ang taas-singil upang mabawi ang nasa P1.46-B na fare deficit.