dzme1530.ph

Suspensiyon sa pagpapataw ng buwis sa inaangkat na E-vehicle, suportado ng DTI

Sang-ayon ang Department of Trade and Industry sa plano ng ehekutibo na suspindihin muna ng limang taon ang buwis para sa inaangkat na Electric vehicle.

Ayon kay Trade sec. Alfredo Pascual, ito’y para mapababa ang presyo nito sa merkado at mas lalong tangkilikin ng mga Pilipino ang mga e-vehicle.

Kasunod nito nakikita ng DTI na dadami ang mga negosyante na magmumuhunan sa charging station at mahihikayat din ang local producer na gumagawa pa ng electric vehicles.

Sa February 2024 rerepasuhin ng NEDA ang E.O 12, na nag-uutos ng pansamantalang modification ng import duty ng e-vehicle at mga piyesa nito. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author