dzme1530.ph

Suspended Cong. Teves, binanatan si Speaker Romualdez at isa pang kongresista dahil sa pagtatangka umano na patalsikin siya sa Kamara

Binatikos ni Suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. si House Speaker Martin Romualdez at isa pang kongresista dahil umano sa planong patalsikin siya sa kamara.

Sa virtual press conference, binigyang diin ni Teves na sina Romualdez at House Committee on Ethics and Privileges Chairman Felimon Espares lang ang atat na patalsikin siya, dahil wala naman aniyang problema sa iba nilang mga kasamahan.

Muli namang inihayag ng suspendidong Kongresista na uuwi lang siya ng Pilipinas kapag alam niyang ligtas na siya.

Inakusahan naman ng legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, ang Kamara ng Grave Abuse of Discretion. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author