dzme1530.ph

Suspek sa PSA data leak, tukoy na ng DICT

Tukoy na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang suspek sa likod ng data breach na bumiktima sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Kinumpirma ni DICT spokesperson Renato Paraiso na nakaranas ng cyber-attack ang PSA, subalit hindi pa nila naiimbestigahan ang lawak ng nai-leak na data.

Sinabi ni Paraiso na kumpara sa PhilHealth na nabiktima ng Medusa na foreign at sophisticated group, ang suspek sa PSA data leak ay local at parang amateur pa ang lebel.

Una nang isiniwalat ni data protection officer, Atty. Eliezer Ambatali na na-hack ang PSA system na nagresulta sa data breach ng kanilang Community-Based Monitoring System. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author