dzme1530.ph

Suspek sa pagpaslang sa Pinay worker sa Saudi, hawak na ng mga otoridad

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nadakip na ang suspek sa pagpaslang sa 30 anyos na Filipina domestic helper na si Marjorette Garcia sa Saudi Arabia.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary Paul Raymund Cortes na iniimbestigahan na ng local authorities sa Saudi ang dayuhang suspek na kakilala umano ni Garcia.

Ayon kay Cortes, bagaman hindi pa tapos ang imbestigasyon ay posibleng kasamahan ni Garcia sa trabaho ang suspek.

Natagpuang duguan ang Pinay worker bunsod ng mga tama ng saksak sa katawan at agad dinala ng mga pulis sa ospital kung saan ito binawian ng buhay.

Idinagdag ni Cortes na sa sandaling matapos ang imbestigasyon ay ire-release na ng Saudi authorities ang labi ng biktima upang maiuwi na sa Pilipinas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author