dzme1530.ph

Suspek sa Degamo slay case, bumaliktad; naunang testimonya, binawi

Binawi ng isa sa mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ang nauna nitong testimonya, at itinangging may alam ito sa krimen at sa umano’y masterminds na sina Cong. Arnie Teves at dati nitong bodyguard na si Marvin Miranda.

Sinabi ni Atty. Harold Montalbo, abogado ni Osmundo Rivero na binawi na ng kanilang kliyente ang lahat ng nauna nitong salaysay kung saan inamin nito na isa siya sa mga suspek sa pagpatay at isa rin sa mga nagplano sa krimen.

Sa limang pahinang Counter-Affidavit, sinabi ni Rivero na kinasabwat siya para ituro si Teves bilang isa sa nag-utos sa pagpatay habang nasa headquarters ng PNP.

Idinagdag ni Rivero na sinabihan din siya ng Public Attorney’s Office (PAO) lawyer na naka-assign sa kanya na sumunod na lamang sa demands ng mga Pulis para hindi masaktan.

Sa kanyang Affidavit, sinabi ni Rivero na hindi totoo na may kilala siyang Marvin at hindi rin totoo na itinuro niya ang litrato ni Teves dahil hindi naman niya ito kilala at kailanman ay hindi pa niya nakikita. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author