Kabuuang 3,468 grams ng cocaine na nagkakahalaga ng P18,380,400 ang nakumpiska mula sa isang Surinamese national sa Clark International Airport, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Sa statement, sinabi ng PDEA na dumating ang dayuhan sa airport lulan ng United Arab Emirates flights EK 338.
Inaresto ito makaraang matagpuan sa kanyang bagahe ang iligal na droga na itinago sa loob ng kanyang jackets.
Nasa 30 vacuum sealed transparent packs na nakabalot sa mesh cloth at blue carbon paper na naglalaman ng cocaine ang narekober mula sa pag-iingat ng dayuhan.
Bukod sa PDEA, kasama rin sa operasyon ang Bureau of Customs Port of Clark, Bureau of Immigration, NBI Pampanga District Office, at PNP Aviation Security Unit 3.