dzme1530.ph

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.6 na aftershock

Inuga ng magnitude 6.6 na aftershock, na unang iniulat na magnitude 6, ang hilagang silangan ng hinatuan, ala 6:35 kagabi, matapos ang magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur noong Sabado.

Natunton ng PHIVOLCS ang epicenter ng pagyanig, na tectonic ang pinagmulan, 69 kilometers northeast ng Hinatuan at may lalim na isang kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Hinatuan habang Intensity IV sa Nabunturan, Davao de Oro; Claver, Surigao del Norte; at Bislig City at Cantilan Surigao del Sur. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author