dzme1530.ph

Supply ng karneng baboy sa bansa, sapat hanggang sa unang quarter ng susunod na taon

Inaasahan ang sapat na supply ng karneng baboy sa bansa hanggang sa unang quarter ng 2024, sa harap ng pagtaas ng demand sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Jayson Cainglet, Executive Director ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), na walang problema sa supply ng karneng baboy.

Gayunman, bagaman bumababa aniya ang farmgate prices ay tumataas pa rin ang retail prices.

Sa price monitoring ng Department of Agriculture, ang farmgate price ng backyard hogs, as of Oct. 9, ay nasa P140 hanggang P160 per kilo, habang ang farmgate price para sa commercial hogs ay nasa P130 hanggang P180 per kilo.

Idinagdag ni Cainglet na nakapag-adjust na ang industriya matapos maminsala ang African Swine Fever (ASF), partikular sa commercial hog raisers. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author