dzme1530.ph

Supply ng itlog sa bansa, hindi kakapusin sa Abril sa kabila ng banta ng bird flu

Loading

Inanunsiyo ng Philippine Egg Board Association (PEBA) na wala silang nakikitang shortage sa supply ng itlog sa Abril sa kabila ng banta ng bird flu, taliwas sa naging pahayag ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr..

Sinabi ni PEBA President Francis Uyehara na batay sa kanilang projection, magkakaroon ng sapat na supply ng itlog, hanggang Abril at Mayo, bunsod ng mas magandang produksyon.

Idinagdag ni Uyehara na nagulat sila sa statement ng Department of Agriculture, dahil sa kanilang pagtaya ay mas mataas ang produksyon ng itlog ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2024.

Matatandaang sinabi ni Tiu Laurel na posibleng maharap ang bansa sa kakapusan sa supply ng itlog sa Abril, kahit hindi pa nararanasan sa bansa ang paglawak ng bird flu outbreak, bagaman may panahon pa aniya para mapigilan ang projected shortage.

Inihayag din ng PEBA President na hindi rin nila inaasahan na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng itlog.

About The Author