dzme1530.ph

DA, hinimok na agad kumilos laban sa posibleng pagpasok sa bansa ng bird flu virus

Loading

Dapat mas maging maingat ang Department of Agriculture (DA) at tiyaking mapipigilan ang pagpasok sa bansa ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) o bird flu.

Ito ay matapos masalanta ang milyun-milyong manok sa Estados Unidos, na nagdulot ng kakulangan sa suplay ng itlog doon.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, bagama’t kinikilala niya ang mga hakbang ng DA upang maiwasan ang kakulangan at pagtaas ng presyo ng itlog, dapat pa ring bigyang-prayoridad ang proteksyon sa lokal na industriya.

Dapat aniyang makipagtulungan ang DA sa mga lokal na poultry farmers upang mapanatili ang sapat at abot-kayang suplay ng itlog.

Iminungkahi rin ng senador ang pagpapalakas ng mga programang nagbibigay ng pinansyal na tulong, gaya ng subsidiya para sa feeds at veterinary services, upang masuportahan ang mga magsasaka at mapanatili o mapalawak pa ang kanilang produksyon.

Inirekomenda rin niya ang mas mahigpit na monitoring ng DA at iba pang ahensya upang maiwasan ang hoarding at manipulasyon ng presyo na maaaring magpahirap sa mga mamimili.

Hinimok niya ang gobyerno na agarang kumilos upang mapanatili ang matatag at abot-kayang presyo ng itlog para sa lahat.

About The Author