dzme1530.ph

Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat!

Sasapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila kahit pumasok ang matinding El Nino sa huling bahagi ng taon.

Ito ang tiniyak ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Division Manager Engr. Patrick Dizon.

Ayon kay Dizon, hindi ito imposible kung maaabot ang target na 210 meters elevation level ng Angat Dam.

Sa ngayon, sapat naman aniya ang tubig sa Angat Dam matapos itong madagdagan ng 21 meters dahil sa dalawang linggong tuloy-tuloy na pag-ulang dala ng bagyong Egay at Habagat.

Dahil dito, pumalo na sa 199.9 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam, mas mataas kumpara sa naitala noong taong 2022 sa kaparehong panahon.

Gayunman, nilinaw ng opisyal na kung meron mang water service interruption mula sa dalawang water concessionaires, ito ay sa dahil sa kanilang regular maintenance activities para sa mas maayos na serbisyo publiko. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author