dzme1530.ph

Suplay ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila, maaantala

Patuloy pa ring makararanas ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila.

Sa abiso ng Manila Water, mawawalan ng suplay ng tubig sa Pasig ang Barangay Bagong Ilog, partikular na sa C5 Cor. Mejia at C5 Cor. C. Cruz, mula alas-10 ng gabi bukas, April 13 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Biyernes, April 14.

May water interruption din sa Barangay Corazon de Jesus at Pasadena sa Quezon City, partikular sa Dr. P. A. Narciso St. Cor. Corazon de Jesus St., na iiral mula 10 p.m. ng April 14 hanggang 4 a.m. ng April 15.

Habang apektado rin ng kakulangan ng suplay ng tubig ang Barangay Macamot, Tatala, Mambog, Batingan at Mahabang Parang sa Binangonan Rizal. Gayundin din sa Greenland Subdivision, Barangay San Juan, mula 11pm ng April 14 hanggang 5am ng April 15.

Alas-11 ng gabi naman ng April 19 hanggang alas-5 ngmadaling araw ng April 20, ang water interruption sa Cainta at Taytay, sa Barangay Santo Niño at San Isidro, partikular na sa Montevista Mayfair St. at Palma Hills 1.

Nanawagan naman ang water concessionaire sa kanilang mga customer na panatilihin ang pag-iimbak ng tubig.

Nabatid na ang pagkaantala sa suplay ng tubig ay dahil sa isasagawang service improvement activities ng Manila Water.

About The Author