dzme1530.ph

Suplay ng bigas, nananatiling sapat, ayon sa D.A.

Nananatiling sapat ang suplay ng bigas sa kabila ng pinsalang idinulot sa sektor ng agrikultra ng mga nagdaang bagyo.

Ito ang tiniyak ni Dept. of Agriculture Usec. Leocadio Sebastian na sapat pa rin ang suplay ng bigas hanggang sa mga susunod na buwan, sa gitna na rin ng planting season at anihan sa Agosto at Setyembre.

Paliwanag ni Sebastian, mayroon pang 5.7 million metric tons ng palay ang na-ani noong dry season at karagdagang 1.9 million metric tons ng imported rice ang naka-stock kung kaya’t nasisiguro niyang aabot ito ng ilan pang buwan.

Una nang sinabi ni DA Usec. Mercedita Sombilla na ang suplay ng bigas ay aabutin na lamang ng hanggang 39 na araw.

Tinutulan naman ng Federation of Free Farmers National Manager Raul Montemayor ang pahayag na sapat ang suplay ng bigas kasabay ng pagbigay-diin na ang stocks ng naturang produkto ay hanggang Setyembre na lamang at ang anihan ay sa Oktubre pa magsisimula. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author