dzme1530.ph

Suplay ng bigas at mais, bumaba noong Pebrero

Bumaba ang suplay ng bigas at mais noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng ahensya, nasa 1.52-M metric tons ang kabuuang bilang ng bigas noong February 1, 2023, mas mababa ng 17.7% mula sa 1.85M MT noong Enero at 1.61-M MT sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi rin ng National Food Authority (NFA) na bumaba sa 8.8% o 104,790 MT ang rice stocks ng bansa.

Nasa 366,400 MT naman ang kabuuang bilang ng suplay ng mais noong Pebrero, mas mababa ng 10.5% kumpara sa 409,490 MT na naitala noong Enero at 22.5% o 472,570 MT sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, sinabi ni Michael Ricafor, Chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp. na ang mababang inventory ng bigas at mais ay dahil sa mataas na demand at mababang produksyon sa gitna ng nagbabadyang tagtuyot sa ilang bansa sa Asya. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author