dzme1530.ph

Suplay ng baboy sa NegOcc., pinangangambahang magkulang pagsapit ng holiday season

Nangangamba ang Association of Hog Raisers sa Negros Occidental na hindi sumapat ang suplay ng mga baboy pagsapit ng holiday season, dahil sa mababang supply bunsod ng African Swine Fever (ASF).

Batay sa isinagawang assessment bilang paghahanda sa inaasahang pagtaas ng demand, sinabi ni Ric Lauron, Pangulo ng Asosasyon, na nakikita nila ang posibilidad na magkulang ang naturang suplay simula ngayong Oktubre hanggang Disyembre.

Una nang tiniyak ng Negros Occidental Provincial Veterinary Office (PVO) na sapat ang suplay ng baboy dahil nilimitahan nito ang paglalabas patungo sa ibang probinsya.

Sa datos ng PVO, mahigit 2,000 baboy ang kasalukuyang inaalagaan sa lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author